Tinodo na ng Gilas Pilipinas ang preparasyon para sa unang window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa pamamagitan ng closed-door training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna. Nagsasagawa ang koponan ng dalawang beses na ensayo kada araw matapos magsimula sa Blue Eagle Gym sa Quezon City at The Upperdeck Gym sa Pasig.
Kumpleto na ang koponan sa pagdating nina Kevin Quiambao, Carl Tamayo, at AJ Edu, habang hindi makakalaro sina Calvin Oftana, Kai Sotto, at Ange Kouame dahil sa injuries. Mananatili sa Laguna ang Gilas hanggang Linggo bago ang sendoff ng SBP sa Lunes. Lilipad ang koponan patungong Guam sa Martes para sa unang laban sa Group A sa Nobyembre 28 at muling maglalaro sa Blue Eagle Gym sa Disyembre 1.
Kasama sa Group B ang Australia at New Zealand, at umaasa ang Gilas na makapasok muli sa World Cup upang mapanatili ang kanilang streak simula 2014.











