Nasawi ang isang magsasaka sa Santiago City matapos magpatiwakal sa Santiago City.
Ang biktima ay isang 27-anyos na binata at residente ng nasabing lugar.
Sa pagsisiyasat ng mga kapulisan, natukoy na bago pa man masawi ang biktima, nakita umano ito ng kaniyang lola na may hawak na itak.
Tinanong umano ng lola ang biktima kung saan nito gagamitin ang hawak na itak ngunit bigla na lamang nitong ginilitan ang kaniyang leeg.
Agad na humingi ng tulong ang lola sa kanilang mga kamag-anak upang maidala sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.
Ayon sa kaanak ng biktima, mayroong iniinda na sakit ang lalaki na nakuha nito sa sobrang pag-inom ng alak liban pa sa tila pagkawala na sa tamang pagiisip mula sa pagkakabaon sa utang at problema sa kaniyang sakahan na napinsala ng nagdaang bagyo.










