--Ads--
Nagpasa ng resolusyon si Sangguniang Panlalawigan Member Jose Panganiban upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay House Speaker Bojie Dy para sa isinusulong nitong malinis na pamamahala.
Inihayag ni SP Member Jose “Bentot” Panganiban na kaisa sila sa pagsusulong ng transparency, accountability, at pagsugpo sa korapsyon sa gobyerno.
Paglilinaw niya, ang resolusyon ay hindi bunga ng blind loyalty o convenience, kundi ng shared responsibility at pagpapakita ng buong suporta kay Speaker Dy bilang mga Isabelino para sa mga makabagong reporma sa Kamara.
Matapos makakuha ng no objection mula sa mga miyembro ng konseho, ipinasa sa ikalawa at huling pagbasa ang resolusyon.
--Ads--











