--Ads--

Nasa final stage ng paghahanda ang Schools Division Office (SDO) Cauayan para sa Regional Science and Technology Fair (RSTF) 2025 na magsisimula bukas hanggang Biyernes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assisstant Schools Division Superintendent Chelo Tangan , sinabi niyang kahapon ay nagsagawa sila ng pagpupulong upang kamustahin ang paghahanda ng bawat paaralan na tutuluyan ng mga deligado.

Ayon sa kanya, lahat ng mga school heads ay nagkumpirma na patapos na ang paghahanda sa mga quarters kung saan tutuloy ang mga bisita.

Giit pa niya, bentahe rin ng lungsod ang paghohost dahil bukod sa marami na itong karanasan sa event gaya na lamang sa nagdaang RSPC maalab din ang pagtanggap sa mga deligado.

--Ads--

Aniya, hindi na proproblemahin pa ng mga magpupunta sa lungsod na makiki-isa sa RSTF 2025 ang kanilang higaan. May libre ring kape at biscuits sa bawat quarters ng mga kalahok bilang bahagi ng pagpapaunlak ng SDO.

Layon ng RSTF na maipakita ng mga estudyante ang kanilang kakayahan pagdating sa larangan ng siyensiya at agham. Kabilang sa magiging patimpalak sa nasabing kompetisyon ay ang robotics and intelligent machines presentation, physical science presentation, mathematics and computation science presentation at iba pa.