--Ads--

Mariing itinanggi ni Ilocos Rep. Sandro Marcos ang mga akusasyon ni Dating Rep. Zaldy Co laban sa kaniya.

Matatandaan na Inakusahan ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co si Presidential Son at House Majority Floorleader Sandro Marcos na nakinabang rin umano ng P50.9 bilyon sa pagsisi­ngit ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) o pambansang budget.

Sa alegasyon ni Co, sinabi nito na noong 2023 ay nagsingit umano si Sandro ng P9.636 bilyon; P20.174 bilyon
noong 2024 at P21.127 bilyon nitong 2025 o kabuuang P50.938 bilyon sa pambansang pondo.

Una nang inakusahan ni Co si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa likod umano ng P100 bilyong insertions sa pondo na inilaan sa flood control projects.

--Ads--

Isiniwalat pa ni Co na pinagbantaan umano siya ni Sandro na tatanggalin sa puwesto at sasampahan ng samut saring kaso kapag hindi pinagbigyan ang P8 bil­yong ipinasisingit ng Presidential Son sa national budget.