--Ads--

Patuloy ang NIA-MARIIS sa pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng lebel ng tubig, dulot ng malakas na pag-ulan dala ng Shearline.

Ayon kay Engr. Carlo Ablan, Department Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS, mula kagabi, ang lebel ng tubig sa reservoir ay umabot na sa 187.12 meters above sea level (masl).

Ang inflow o dami ng tubig na pumapasok sa dam ay nasa 442.74 cubic meters per second (cms), habang ang kabuuang outflow ay nasa 201.28 cms.

Sa kasalukuyan, nakabukas ang isang spillway gate ng dam na may total discharge na 166.00 cms, bilang bahagi ng pagpapakawala ng tubig upang maiwasan ang pag-apaw ng reservoir.

--Ads--

Pinapayuhan ng NIA-MARIIS ang mga residente sa ibaba ng dam na maging alerto sa posibleng pagbaha, lalo na sa mga kalapit na ilog at kanal. Patuloy din nilang binabantayan ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad sa paligid ng dam.