--Ads--

Sa South Korea, may kakaibang paligsahan kung saan hindi lakas o talino ang sukatan kundi kung gaano ka tatagal nang walang ginagawa.

At ngayong taon, itinanghal na kampeon si Byung-jin Park, 36, isang negosyante at indie punk musician mula Seoul.

Sa 2025 Space-Out Competition, tinalo ni Park at ng kanyang grupo ang mahigit 100 kalahok.

Simple lang ang rules: walang cellphone, walang usap, bawal matulog basta’t 90 minutes na walang galaw.

--Ads--

Sinimulan ang event noong 2014 ng visual artist na si Woopsyang bilang protesta laban sa burnout.

Taon-taon, ginaganap ito sa Han River at libo-libo ang nanonood. Nakasuot ang mga kalahok ng heart-rate monitor at ang pinakakalmado ang dinedeklarang panalo.

Ayon kay Park, parang nawala raw ang katawan niya nang gawin ang challenge.

Ang sikreto raw niya: mabagal na paghinga, pagtitig sa isang punto at pag-alis ng ibang iniisip.

Sabi naman ni Dr. Hanson Park ng Seoul National University, malaking tulong ang katahimikan sa pagbawas ng stress, anxiety at depression.