--Ads--

Isang landslide ang naganap bandang 11:00 a.m. sa Camp 1, Acupan, Virac, Itogon, Benguet,dulot ang tuloy-tuloy na pag-ulan.


Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), 30 minero ang ligtas na nakalabas mula sa tunnel ilang sandali matapos ang insidente.

Sa ngayon patuloy pa rin ang beripikasyon at pagtukoy kung may iba pang indibidwal na maaaring nasa loob pa ng mga tunnel.


Batay sa inisyal na ulat, tinatayang 34 minero ang posibleng na-trap sa ilalim ng lupa.

--Ads--

Kasalukuyang isinasagawa na ang search and rescue operations, at nasa lugar na ang mga disaster response team upang magsagawa ng safety checks.