--Ads--

Humigit kumulang 100 thousand pesos ang naitalang halag ng natupok na mga kagamitan sa isang establisyemento na nasunog kahapon sa Brgy. Dustrict 1 Cauayan City Isabela.

Ayon kay Deputy Fire Marshall Senior Fire Officer 3 Rene Dalope ng BFP Cauayan, ipang mga appliances at gadgets ang nasunog.

Base sa naging imbestigasyon ng mga tagapamatay sunog, nagsimula ang apoy nang magspark ang isang saksakan na pinagmulan ng apoy.

Mabilis din na kumalat ang apoy dahil marami mga kagamitan na madaling masunog ang nasa lugar.

--Ads--

Ayon sa deputy, mahalaga na laging sinusuri ang mga electircal circuit sa bawat tahanan upang maiwasan nag ganitong aksidente.

Mahalaga rin na maipatingin sa mga eksperto ang kondisyon ng electrical circuit sa bawat tahanan lalo na at delikado ito lalo na kung tag ulan.