Inaasahan ang magkakahalong galaw ang presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.
Nakatakda ang malaking bawas-presyo sa diesel habang maaaring manatiling walang pagbabago o bahagyang tumaas ang presyo ng gasolina.
Ayon sa abiso ng Jetti Petroleum, ang paunang tantiya batay sa unang apat na trading days ng Mean of Platts Singapore at foreign exchange averages ay nagpapakita ng P3 hanggang P3.20 kada litro na rollback sa diesel.
Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring manatili sa kasalukuyang halaga o magkaroon lamang ng minimal na P0.10 kada litrong dagdag pagpasok ng Disyembre 1, 2025.
Ang malaking bawas sa diesel ay bunsod umano ng market correction kasunod ng paghinay ng global crude prices dahil sa muling pag-asa sa US-brokered ceasefire push sa Ukraine.
Bagama’t bahagyang bumaba rin ang Asian gasoline benchmarks, nananatiling mataas ang premium at freight costs.
Inaasahang iaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang opisyal na price adjustments sa unang bahagi ng susunod na linggo.











