Nagsagawa ang Gender and Development (GAD) Office ng HGDG Training o Harmonized Gender and Development Guidelines bilang bahagi ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maria Cristine Ordoñez, GAD Focal Person, layon ng pagsasanay na matiyak na ang mga proyekto ng lokal na pamahalaan ay sumusunod sa gender-responsive standards.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga department head, assistant department head, GAD focal persons, project planners, developers, implementers at miyembro ng Project Monitoring and Evaluation Committee.
Sa training, ipinrisinta ng bawat departamento kabilang any POSD, City Tourism Office, City Engineering Office na may pinakamafaming proyekto at iba pa ang kanilang mga proyekto mula Enero hanggang Nobyembre para sa masusing pagsusuri.
Samantala, Nagpasalamat si Ordoñez sa mahigit 1,000 indibidwal na nakiisa sa kick-off event ng kampanya.
Magpapatuloy ang serye ng aktibidad hanggang Disyembre 12 bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya laban sa karahasan sa kababaihan.








