--Ads--

Binigyang-diin ng Public Order and Safety Division (POSD) na mahigpit nilang susundin ang kautusan ng Land Transportation Office (LTO) na panghuhuli sa mga E-trike at E-bikes sa National Highway.

Ito ay matapos I-anunsiyo ng LTO na simula unang araw ng Diysembre ay kanila nang huhuliin ang mga nabanggit na sasakyan alinsunod sa Republic Act 4163 na nagsasaad na ang lahat ng mga sasakyan na babaybay sa pambansang lansangan ay dapat rehistrado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Malillin, sinabi niya na noon pa man ay mayroon nang mga restrictions pagdating sa paggamit nito dahil ang mga e-trikes at e-bikes ay hindi dapat gamitin sa mga pangunahing lansangan para na rin sa kanilang kaligtasan.

Mayroon aniyang nakatakdang pagpupulong sa hanay ng POSD at nang local government unit upang hinggil sa naturang usapin.

--Ads--

Pagpatak aniya ng December 1 ay kanilang nang I-a-apprehend ang mga lalabag sa panuntunan.

Magsasagawa rin sila ng information drive nang sa ganoon ay mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga gumagamit ng e-trikes at e-bikes para sa mga restrictions na mapag-uusapan sa konseho.