--Ads--

Solar Radiation ang nakikitang sanhi ng software glitch na siyang naging dahilan ng pagtigil ng operasyon ng libo-libong fleet ng Airbus A320.

Inihayag ni Denmark Suede, isang Licensed Pilot, na nag-ugat ang pagtigil ng operasyon ng Airbus A320 matapos magkaroon ng biglaang nose dive ang isang eroplano na patungo sa New York habang naka-autopilot.

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na ang biglaang pag-nose dive ay dulot ng isang software glitch na sanhi ng solar radiation.

Kung matatandaan, kahapon ay itinigil ang operasyon ng lahat ng Airbus A320 sa Pilipinas na kabilang sa higit 6,000 eroplano na na-grounded.

--Ads--

Sa ngayon, nagkaroon na ng software updates para sa mga bagong modelo na tumagal ng 2–3 oras, habang sa mga older models maaari itong tumagal ng ilang araw dahil kailangan ding i-update ang hardware.

Ang mga Airbus na eroplano ay pinapatakbo ng software kung saan nag-iinput ng command ang piloto sa pamamagitan ng computer.