--Ads--
Aabot sa mahigit 160,000 ang kabuuang lumahok sa magkakahiwalay na kilos protesta kahapon, Bonifacio Day na tinawag na Trillion Peso March.
Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) na mayroong kabuuang 119 na mga kilos protesta ang isinagawa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Naitala sa Metro Manila ang may pinakamalaking bilang na mga protesters na dumalo na mayroong mahigit 16,000.
Pinasalamatan ni PNP acting chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr ang mga organizers, marshals at mga nakilahok dahil sa mapayapang kilos protesta.
--Ads--
Napigilan din ng PNP ang ilang mga grupo na nagtangkang guluhin ang mapayapang kilos protesta.











