Isinusulong ngayon sa bayan ng Reina Mercedes, Isabela ang pagbabawal sa paggamit ng boga ng mga kabataan lalo na ngayong buwan ng Disyembre.
Mayroon na kasing nahuli noong nakaraang taon ang hanay ng PNP kaya isinusulong sa konseho ang pagbabawal nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguinang Bayan Member Salvador Apostol ng Bayan ng Reina Mercedes, sinabi nitong isa itong tinuturing na mapanganib paputok na ginagamit ng mga kabataan kaya’t nais nila na ipagbawal ito sa nasabing bayan. Suportado naman ito ng mga barangay kapitan na nagpahayg ng kanilang obserbasyon sa kani-kanilang nasasakupan.
Pahayag naman ng hanay ng PNP, karamihan sa kanilang nahuhuli ay mga menor de edad kaya naman kabilang sa kanilang isinusulong ay ang pagpaparusa or mga magugulang ang magiging liable kung sakaling mahuli ang menor de edad na gumagamit ng boga.
Ayon kay SB Apostol, 500 pesos ang multa para sa first offense, 1,000 pesos sa second offense habang 2,500 pesos naman sa mga susunod ng paglabag sa patakarang ito.
Giit ni SB Salvador Apostol, isa ito sa kanilang gagawin nang masiguro na may responsibilidad ang mga magulang na tignan ang kanilang mga anak at mga ginagawa ng mga ito.










