--Ads--

Binuksan na sa publiko ang Paskuhan sa Cauayan 2025, tampok ang Bancheto, Christmas Village, at Giant Christmas Tree.

Pinangunahan ni Mayor Caesar Dy Jr. ang programa kung saan sabay-sabay na tinunghayan ng mga Cauayeño ang pagpapailaw sa Giant Christmas Tree na matatagpuan sa harap mismo ng Cauayan City Hall, gayundin ang ribbon-cutting para sa Christmas Village.

Hinikayat niya ang publiko na bumisita sa binuksang Christmas display sa lungsod kung saan tampok dito ang Bancheto, Christmas Village, at Giant Christmas Tree kaya maraming makikita at matitikmang masasarap na pagkain na inooffer ng mga nagrentang negosyo.

Ayon kay Mayor Dy, ginaya nila ang Winter Wonderland at malaking christmas tree na sumisimbolo sa bagong pag-asa para sa Cauayan City.

--Ads--

Samantala inihayag naman ni POSD Chief Pilarito Mallillin na maraming dumalo sa Christmas Lighting Ceremony.

Aniya, nagtalaga sila ng rerouting sa ilang kalsada sa Poblacion area upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa lugar kung saan matatagpuan ang Bancheto.

Bukas ang Bancheto mula alas-5 ng hapon hanggang hatinggabi.

Maliban sa road rerouting, may mga designated parking areas din at nakipag-ugnayan sila sa pamunuan ng Barangay District 3 upang ma-utilize ang kanilang mga barangay tanod na makakatulong ng POSD sa pagbabantay.

Sa ngayon, nasa 30 Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ang nakiisa sa Christmas Bancheto.