--Ads--
Binalewala ng kampo ni dating Senador Bong Revilla ang rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na sampahan siya ng kaso dahil sa umano’y pagkakasangkot sa anomalya sa flood control projects.
Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Maria Carissa Guinto, hindi nabigyan ng subpoena o kopya ng pormal na reklamo ang dating senador.
Aniya, hindi rin nabigyan ng sapat na pagkakataon ang senador na ipagtanggol ang kanyang sarili.
Tiniyak din ng senador na handa siyang magtungo sa ICI sakaling siya ay ipatawag.
--Ads--
Itinuturing naman ng senador na ang reklamo laban sa kanya ay imbento lamang ng isang kriminal upang maiwasan ang kaso laban sa kanila.










