--Ads--

Kinumpirma ng pamahalaan ng Pilipinas na nagbigay na sila ng tulong at suporta para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapekktuhan ng malawakang sunog sa Wang Fuk Court sa Tai Po District, Hong Kong, isang trahedyang kumitil sa daan-daang buhay at nagdulot ng panganib sa maraming migrant workers.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DMW Regional Director Rogelio Benitez, sinabi niya na agad namang kumilos ang gobyerno nagpadala ng mga team mula sa OWWA, Department of Migrant Workers Office (MWO) Hong Kong, at Konsulado ng Pilipinass sa Hong Kong upang bisitahin ang mga shelter at maghatid ng “initial assistance” para sa mga apektadong OFWs.

Para sa nasawi na si Maryan Pascual Esteban ng Jones Isabela, tinuluungan ng Department of Migrant Workers o DMW ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng P100,000 na cash assistance para sa kanyang anak. Inako rin ng gobyerno ang pag-aaral nito at ang agarang repatriation ng labi ng biktima bagamat hinihintay pa ang desisyon ng pamahalaan ng Hongkong na kasalukuyan pa ang imbestigasyon sa pangyayari.

Tiniyak naman ng gobyerno na patuloy nilang i-momonitor ang sitwasyon, magsasagawa ng follow-up para sa dagdag na tulong, at makikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad sa Hong Kong para matiyak ang proteksyon at kaligtasaan ng mga OFW.

--Ads--