--Ads--

Kinilala ng Guinness World Records ang isang aso sa Oklahoma, U.S.A. dahil sa napakahabang dila nito.

Si Ozzy, isang halo ng French Mastiff at Bull Mastiff, ay may dila na may sukat na 7.83 inches (19.9 cm), mas mahaba kumpara sa dating record holder noong 2023 na may sukat lamang na 5.46 inches (13.9 cm).

Ayon sa may-ari nitong si Angela Pick, sadyang nakalawit na ang dila ni Ozzy mula pa noong ipinanganak ito, kaya agad siyang namutawi bilang kakaibang aso.

Kinumpirma rin ng mga beterinaryo na wala itong anumang sakit o deperensiya sa ngipin o bibig. Ayon sa kanila, pambihira lang talaga ang haba ng dila ni Ozzy, at ito ay natural na katangian ng kanyang lahi at genetic makeup.

--Ads--

Dagdag pa ni Pick, sa kabila ng mahabang dila ni Ozzy, hindi naman siya mahilig mandila sa mga tao. Sa halip, mas gusto niyang idikit ang kanyang ilong sa mukha ng tao bilang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at paglalambing.

Ang kakaibang katangian ni Ozzy ay hindi lamang nakakaaliw, kundi nagpapakita rin ng kamangha-manghang diversity sa mundo ng mga aso, at ngayon ay opisyal nang kinikilala sa buong mundo.