--Ads--

Nagsampa ng reklamo sa Ombudsman ang grupong Kontra Daya sa pamumuno ni Danilo Arao laban kay Senator Rodante Marcoleta dahil umano sa hindi nito pagbibigay ng detalye ukol sa kanyang campaign contributors.


Base sa isinampang complaint-affidavit, iginiit nito ang isang panayam ng senador kung saan kanilang pinagusapan ang natanggap niyang P 112-milyon na campaign donations para sa 2025 senatorial elections.


Inirereklamo si Marcoleta sa posibleng paglabag sa Section 98 at 107, na may koneksyon sa Section 262 ng Omnibus Election Code.


Inamin ni Marcoleta sa panayam na nakatanggap siya ng campaign contribution, ngunit hindi niya ito binanggit sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) dahil ayaw umano ng campaign donors na ipakilala sila.

--Ads--


Nakasaad sa Section 98 ng Omnibus Election Code na dapat ilagay ang tunay na pangalan ng mga campaign donor, at ipinagbabawal ang paggamit ng alias.