--Ads--

Sinimulan na sa Lungsod ng Cauayan ang paggamit ng Decibel Meters o Digital Sound Level Meters nitong ika-apat ng Disyembre, taong kasalukuyan, upang masuri ang lakas o ingay ng tambutso ng mga motorista.

Sa tulong ng Land Transportation Office at Public Order and Safety Division Office ng lungsod, pina-iigting ang paggamit nito upang mahuli at mapanagot ang mga motoristang hindi sumusunod sa alituntuning ito. Ito ay sa kabila ng napakaraming reklamo na natatanggap mula sa mga ospital at opisina.

Ayon kay POSD Chief, Retired Colonel Pilarito Mallillin, hindi lamang sa mga motorsiklo ito gagamitin, kundi pati na rin sa mga four-wheels na sasakyan katulad na lamang ng sedan, SUV, MPV, pick up truck at iba pa. Kung kaya’t walang kawala ang bawat motoristang bumabaybay sa kalsada ng lungsod.

Kaugnay rito, dapat sumunod ang bawat motorista sa pagpapanatili ng 50-55 decibels tuwing umaga hanggang hapon, at 40-50 decibels naman tuwing alas-nwebe ng gabi hanggang alas-syete ng umaga.

--Ads--

Kung kaya’t ang mga mahuhuling lumabag sa ordinansang ito ay kukumpiskahin ang kanilang lisensya o kung wala naman ay i-impound ang kanilang sasakyan.