--Ads--

Nagsasagawa na ang Traffic Enforcement Unit o TEU ng Lungsod ng Santiago ng road clearing operations bilang paghahanda sa nalalapit na holiday season.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Lieutenant Colonel Ricson Guiab, inumpisahan na ng kanilang hanay ang operasyon upang tanggalin ang mga sasakyang ginagawang parking area ang national road. Aniya, nagdudulot ito ng mabagal na daloy ng trapiko at maaaring pagmulan ng aksidente sa lungsod.

Binanggit din ni Guiab na ang nahuhuli kadalasan ay mga tricycle drivers na nagsasakay at nagbababa ng pasahero sa kalsada. Gayundin ang mga nagtatayo ng tindahan sa gilid ng kalsada o street vendors.

Alinsunod sa ordinansa ng lungsod na mahigpit na ipinapatupad, ang mga lalabag sa Obstruction of Roads ay mapapatawan ng ticket, tatlong daan (300) na multa, at mahuhuli.

--Ads--

Samantala, panawagan ng TEU sa mga motorista, tricycle drivers, at street vendors na sumunod sa patakaran at makipag-tulungan upang mapanatili ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko at maiwasan ang aberya at aksidente.