--Ads--

Sisimulan na ng hanay ng Land Transformation Office o LTO Region 2 sa January 2, 2026 ang panghuhuli sa mga light electric vehicles (LEVs) na bumibiyahe sa mga national highway.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Venancio Tuddao, Public Information Officer ng LTO Region 2, sinabi nitong ang pagpapatupad sana ay nakatakda noong December 1, ngunit iniurong sa January 2 upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang publiko na maintindihan at matanggap ang naturang patakaran.

Binigyang linaw ni Tuddao na mula Disyembre 1 hanggang Enero 1 ay wala munang panghuhuli para sa mga LEVs, ngunit pagsapit ng Enero 2, anumang LEV na makitang nag-o-operate sa national highway ay agad na huhulihin, dahil nakalaan lamang ang mga ganitong uri ng sasakyan para sa barangay roads. Maaari lamang silang tumawid sa national highway kung kinakailangan kung wala ng ibang ruta.

Dagdag pa nito, habang nasa stado pa lang ang ahensiya sa information dissemination ang buong rehiyon bago ang Enero 2, pinapayagang dumaan ang mga LEVs sa pambansang lansangan ngunit mariing pinapayuhan ang mga gumagamit nito na mag-ingat, huwag makipagsabayan sa mabilis na sasakyan, at manatili sa outer lane upang maiwasan ang aksidente.

--Ads--