Nasawi ang 18-anyos na laklaki matapos na sagasaan at hatawin ng baseball bat sa ulo sa Malabon.
Ang biktima ay Guy Aldrin Gonzales na residente ng Brgy. Muzon, Malabon.
Nag ugat ang kaguluhan matapos umanong sitahin ng biktima ang isang motorcycle rider dahil sa nakakasilaw na headlight.
Makikita sa CCTV footage na nagkaroon ng komprontasyon kung saan sinagasaan ng sinitang rider ang biktima bago pinagtulungang gulpihin at hatawin ng baseball bat sa ulo ng tatlong beses.
Dahil sa insidente nagtamo ng fatal skull fracture ang biktima na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi
Isang suspek ang unang naaresto pero agad nakalaya matapos magpiyansa sa kasong frustrated homicide. Nanawagan naman ang pamilya na kilalanin at hulihin ang iba pang sangkot, at sasampahan ng murder charges ang grupo.





