Inaprubahan na ng Senado ang panukalang ₱6.793 trilyong national budget para sa susunod na taon. Sa botong 17 senador na pabor at walang abstention, tuluyan nang pumasa sa mataas na kapulungan ang House Bill No. 4058 o ang General Appropriations Act of 2026 sa plenary session ngayong Martes.
Ngayong kapwa nakalusot na sa Kamara at Senado ang kani-kanilang bersyon ng 2026 national budget, inaasahan ang pagdaraos ng bicameral conference committee meeting mula Disyembre 11 hanggang Disyembre 13. Layunin nitong pag-isahin at pag-ayusin ang magkaibang bersyon ng panukalang pambansang pondo.
Kapag na-reconcile na ang budget bill, ibabalik ito sa dalawang kapulungan para naman sa ratipikasyon. Pagkatapos maratipikahan, isusumite na ito sa tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang lagdaan.
--Ads--











