Gumawa ng kasaysayan sina Olympian Kayla Sanchez, Heather White, Chloe Isleta, at Xiandi Chua matapos makuha ang gintong medalya sa women’s 4×100m freestyle relay sa SEA Games 2025 sa Bangkok, Thailand.
Naitala nila ang oras na 3:44 higit sa dalawang segundo ang kalamangan laban sa pangalawang puwesto na Singapore.
Ito ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa women’s 4×100m freestyle relay sa kasaysayan ng SEA Games, isang tagumpay na matagal nang hinihintay ng bansa.
Isa itong “landmark swimming performance” para sa bansa at isang magandang panimulang marka para sa swimming team ng Pilipinas.
SAMANTALA Nangunguna pa rin ang Thailand sa medal tally matapos makapagtala ng 19 gold, 13 silver, at 9 bronze medals batay sa 10PM Dec. 10, 2025, Medal Tally.
Pumapangalawa ang Indonesia na may 5 gold, 9 silver, 7 bronze, habang nasa ikatlong puwesto ang Singapore na may 5 gold, 4 silver, 5 bronze.
Umakyat naman sa ikaapat na puwesto ang Vietnam na may 4 gold at 16 ang bronze medals.
Sa ikalimang puwesto naman ang Myanmar na may kabuuang 7 medalya, habang nasa ika-anim na puwesto ang Pilipinas na may 2 gold, 2 silver, at 9 bronze.
Kasing-dami rin ng Pilipinas ang medalya ng Malaysia na may 2 gold, 2 silver, 9 bronze, kaya’t magkadikit ang dalawang bansa sa mid-rankings.





