--Ads--

Nagsimula nang mangailangan ng karagdagang manpower ang ilang bilihan ng lechon sa lungsod ng Cauayan sa kabila ng pagdami ng reservations ngayong nalalapit na pasko at bagong taon.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Carlo Cruz, negosyante, sinabi niya na lubos ang pangangailangan ng karagdagang tao tuwing pasko dahil umaabot sa 400 na lechon ang order sa kanila sa buong buwan ng Disyembre.

Ilan aniya sa mga nagtatrabaho sakanila ay mula pa sa Nueva Vizcaya habang ang iba ay mula parin sa lungsod at karamihan fito ay mga magkakamag-anak o pamilya.

Umaabot naman aniya sa higit 30 katao ang kanilang trabahador tuwing Disyembre dahil sa dami ng kanilang order araw-araw.

--Ads--

Tuwing regular na araw ay umaabot lamang aniya sa 5-10 na lechon ang nabibili kaya sumasapat ang kanilang manpower, ngunit ngayon na umabot na sa daan daan ang reservations ay hindi na aniya kakayanin ng

kanilang manpower.

Samantala, sa kabila naman ng pagdami ng reservations ay tiniyak naman ng ilang bilihan ng lechon na patuloy pa rin silang tatanggap ng order hanggat sapat ang suplay ng baboy.

Dagdag pa rito, batay sa latest pricelist ng lechon sa ilang bilihan nito sa Cauayan City, ang small size ay nagkakahalaga ng P9,000, ang Medium size ay umaabot ng P12,000.