--Ads--

Matagumpay na nahuli ng Quirino Police Provincial Office ang suspek sa pagpatay at pagnanakaw sa mag-asawa sa bayan ng Diffun noong buwan ng Hulyo.  

Kinilala ang akusado na si alyas “Buddy,” na itinuturing na Top 9 Most Wanted Person-Regional level at naaresto sa Purok 2, Barangay Alimit, Kasibu, Nueva Vizcaya noong Disyembre 11, 2025.

‎‎Ang suspek ay nahaharap sa kasong may kaugnayan sa Robbery with Homicide ay walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang paglaya.

‎Ang pagdakip kay alyas Buddy ay resulta ng malawakang operasyon ng Diffun Police Station, Quirino Police Intelligence Unit, 1st Quirino Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Unit 2, 115th Special Action Company, at 11 Special Action Battalion ng Philippine National Police-Special Action Force.

--Ads--

‎‎Ayon sa Quirino PPO, isinagawa ang pag aresto sa umiiral na legal na proseso.

Ipinaalam din sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine.

Sa ngayon si alyas “Buddy” ay nasa kustodiya ng Diffun Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa korte na nagpalabas ng warrant.