--Ads--

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ₱20,000 Service Recognition Incentive (SRI) para sa mga kawani ng gobyerno bilang pagkilala sa kanilang serbisyo at kontribusyon sa mga layunin ng Philippine Development Plan at 8-Point Socioeconomic Agenda.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 40, makatatanggap ng isang beses na insentibo ang mga empleyado ng Executive branch, kabilang ang nasa national government agencies, SUCs, GOCCs, at uniformed personnel ng AFP, PNP, BFP, BJMP, BuCor, PCG, at iba pang attached agencies.

Magsisimula ang pamamahagi ng SRI sa Disyembre 15.


Ang pondo para sa SRI ay kukunin mula sa 2025 Personnel Services budget ng mga ahensya, o mula sa MOOE kung kinakailangan.

--Ads--

Para sa GOCCs, manggagaling ito sa kanilang corporate operating budgets.

Maaari ring magbigay ng hanggang ₱20,000 SRI ang mga constitutional offices, Kongreso, at Hudikatura depende sa kanilang PS budget.

Para naman sa LGUs, kabilang ang barangay, ang halaga at pag-apruba ng SRI ay nakabatay sa kapasidad sa pondo at sa personnel services limit ng Local Government Code.

Pinayagan ding magbigay ng SRI ang Local Water Districts.

Kwalipikado ang mga empleyadong nasa serbisyo hanggang Nobyembre 30, 2025 at may hindi bababa sa apat na buwang serbisyo; pro-rated naman ang tatanggapin ng mga nagkulang dito.