Ginawaran ng Special Award ang Barangay Tagaran bilang pagkilala sa mahusay nitong pamamahala at pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan, partikular ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, nitong ika-sampu ng Disyembre sa isinagawang Araw ng Pagpupugay: The GAD Awards 2025 sa Isabela Convention Center, Cauayan City.
Ayon kay Barangay Captain Benjie Balauag, kinatawan ng Barangay Tagaran, unti-unti nang naayos ang sistema ng pagtatapon ng basura sa komunidad bunsod ng mahigpit na implementasyon ng waste segregation at tamang paggamit ng Materials Recovery Facility o MRF.
Mayroon umanong labindalawang malalaking MRF ang Barangay Tagaran na aktibong minomonitor upang matiyak na hindi basta-basta itinatapon ang basura.
Ani Balauag, mahigpit na ipinag-uutos ang tamang paghihiwalay ng basura, lalo na sa mga residenteng gumagamit ng pasilidad.
Dagdag pa niya, inatasan ang mga barangay tanod na magbantay laban sa maling pagtatapon ng basura, partikular ang mga itinatapon lamang sa ibabang bahagi ng MRF, at agad na pinaiiwasan ang ganitong gawain.
Kaugnay rito ganito ang naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Barangay Captain Benjie Balauag
Dahil sa disiplinadong pagpapatupad ng mga patakaran at pakikiisa ng mga residente, kinilala ang Barangay Tagaran bilang isa sa mga huwarang barangay sa Cauayan City pagdating sa solid waste management at pangangalaga sa kalikasan.
Home Local News
Special award, iginawad sa Barangay Tagaran, Cauayan City sa katatapos na Araw ng Pagpupugay: The GAD Awards 2025
--Ads--





