Inihayag ng militar ng Israel na kanilang napatay ang mataas na opisyal ng Hamas na si Raed Saed, isa sa mga arkitekto ng pag-atake noong Oktubre 7, 2023 laban sa Israel, sa pamamagitan ng isang pag-atake sa isang sasakyan sa Gaza City nitong Sabado.
Ito ang pinakamataas na antas ng pagpaslang sa isang lider ng Hamas mula nang ipatupad ang kasunduan sa tigil-putukan noong Oktubre.
Sa isang magkasanib na pahayag, sinabi nina Punong Ministro Benjamin Netanyahu at Ministry of Depensa Israel Katz na si Saed ay tinarget bilang tugon sa isang pag-atake ng Hamas kung saan dalawang sundalo ang nasugatan matapos sumabog ang isang IED.
Ayon sa Gaza Health Ministry, limang katao ang napatay at hindi bababa sa 25 ang nasugatan sa naturang pag-atake sa sasakyan. Wala pang agarang kumpirmasyon mula sa Hamas kung kabilang si Saed sa mga nasawi.
Sinabi ng Hamas na ang naturang pag-atake ay lumalabag sa kasunduan sa tigil-putukan.
Isang opisyal ng militar ng Israel ang naglarawan kay Saed bilang isang mataas na opisyal na kasapi ng Hamas na tumulong sa pagtatatag at pagpapalakas ng network ng paggawa ng armas ng grupo.
Si Saed ay itinuturing na ikalawang pinuno ng armed wing ng grupo, kasunod ni Izz Eldeen Al-Hadad.











