--Ads--

Nasawi ang dalawang katao habang sugatan naman ang walong iba pa sa naganap na pamamaril sa Brown University sa Providence, Rhode Island.

Naganap ang insidente sa Barus and Holley building kung saan nakatalaga ang School of Engineering and the physics department na nagsasagawa ng final exams nang mangyari ang pamamaril.

Nagawa namang makatakas ng gunman na ngayo’y pinaghahanap na ng mga awtoridad.

Ayon sa isang witness, ang suspek ay nakasuot ng itim at huling namataan na papaalis sa Engineering Building.

--Ads--

Nakasailalim na ang buong campus sa total lockdown hangga’t hindi pa nahuhuli ang gunman, pinayuhan din ang mga studyante na panatilihing naka sarado ang mga pinto ng kanilang mga kwarto at ipinagbawal ang pansamantalang pag-iikot sa campus.

Samantala, patuloy naman ang pagbibigay ng medikal na atensyon sa iba pang sugatan na biktima na patuloy nagpapagaling sa Rhode Island Hospital.