--Ads--

Ipinatupad ng Isabela Police Provincial Office ang mas pinaigting na seguridad sa mga simbahan at pampublikong lugar sa buong Isabela kasabay ng pagsisimula ng Misa de Gallo at Simbang Gabi kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Anti-Crime Task Force Chairman Ysmael Atienza Sr, sinabi niya na sa ilalim ng Operation Ligtas Paskuhan 2025, idineploy ang mga PNP Personnel sa mga lugar ng pagsamba, pangunahing kalsada, transport terminals, malls, at mga tourist spot upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa pagdagsa ng mga mananampalataya sa maagang misa at Christmas activities.

Ayon sa PNP, kabilang sa mga hakbang ang intensified patrols, police assistance desks, checkpoints, at koordinasyon sa lokal na pamahalaan at simbahan para mabantayan ang crowd control at agarang pagtugon sa emergency.

Mas pinatibay din ang presensya sa paligid ng mga simbahan lalo na sa Misa de Gallo upang maiwasan ang krimen at anumang kaguluhan.

--Ads--

Batay sa kanilang monitoring naging mapayapa ang pagsisimula ng Misa de Gallo at hindi gaanong marami ang dumalong mananampalataya dahil sa pag-ulan.

Hinimok naman niya ang publiko na maging maingat sa mga magnanakaw at tiyaking nakasarado o may nagbabantay kapag aalis ng bahay upang hindi mabiktima ng mga akyat bahay.