--Ads--

Naghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China kasunod ng pagbomba ng water cannon ng kanilang mga barko sa mga Pilipinong mangingisda sa Escoda o Sabina Shoal sa West Philippine Sea noong Disyembre 12, kung saan nasugatan ang tatlong mangingisda.

Ayon kay  Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, nagsumite ang pamahalaan ng demarche o diplomatic protest sa Chinese Embassy kaugnay ng water cannon attack at iba pang agresibong aksyon ng China Coast Guard laban sa humigit-kumulang 20 bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Una nang nagpahayag ng mariing pagkondena ang Malacañang sa insidente.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard na unahin ang kaligtasan ng mga mangingisda, mag-deploy ng tauhan sa mga estratehikong lugar, at palakasin ang pagbabantay sa lugar.

--Ads--

Muling iginiit ng Pangulo ang suporta sa pagkuha ng karagdagang coast guard vessels upang mas maprotektahan ang interes ng bansa at ng mga Pilipino.