Natapos na ang pagpupulong ng bicameral conference committee para sa pinal na bersyon ng 2026 national budget.
Natapos ang deliberasyon ng Senado at House of Representatives alas-2:20 ng madaling araw, kung saan tinalakay ang ilang amendment sa 2026 General Appropriations Bill.
Umabot sa anim na araw ang bicameral conference, na ginanap mula Disyembre 13 hanggang 18.
Pinangunahan ang sesyon nina Senate Finance Committee Chair Sherwin Gatchalian at House Appropriations Committee Chair Mikaela Suansing.
Makasaysayan ang taong ito dahil sa unang pagkakataon, na-livestream ang karaniwang closed-door na bicameral conference para sa budget.
Ang P6.793-trilyong 2026 General Appropriations Bill ay nakatakdang ipasa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang pag-apruba.











