--Ads--

Tatlong indibidwal ang inaresto sa Caticlan Airport matapos umanong gumamit ng peke o hindi awtorisadong credit cards sa pag-book ng isang local flight .

Ayon sa airline, ginamit ng mga suspek ang mga fraudulent credit card upang mag-book ng flights na kalauna’y kino-convert sa travel funds. Ang mga travel fund na ito ay umano’y ibinenta nang ilegal sa pamamagitan ng mga hindi awtorisadong online channels, kabilang ang ilang Facebook groups.

Sinabi ng airline na ang mga suspek ay lumipad mula Davao patungong Boracay at naaresto habang pabalik sana sa Davao. Kinansela na ang lahat ng booking na napatunayang ginamitan ng fraudulent credit cards.

Nagpaalala rin sa publiko na mag-book lamang sa opisyal na website, mobile app, o sa mga accredited travel partners upang maiwasan ang pekeng booking at iba pang aberya tulad ng kawalan ng refund, rebooking, at online check-in.

--Ads--