--Ads--

Patok ngayon sa ilang printing shop sa bayan ng Luna, Isabela ang mga pinaniniwalaang lucky color ngayong darating na bagong taon partikular ang kulay tint green.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Karl  Kevin Ramiro, negosyante, sinabi niya na karamihan sa kanilang customer ay para sa reunion, schools, barangay, at iba ay para sa mga magkakamag-anak na naniniwala sa mga lucky color of the year.

Sa ngayon ay may mga orders na aniya sakanila na tinatayang nasa 20-50 orders ng damit na gagamitin sa new year habang inaasahan pa na aabot sa daan-daang damit ang ipapa print sa ika-30 hanggang 31 ng buwan dahil sa malalaking grupo.

Bagaman inaasahan ang pagdagsa ng mga magpapa gawa ng damit ngayong buwan ay tiniyak naman na magiging sapat ang mga materyales na gagamitin at kakayanin ng kanilang manpower kahit pa man rush orders ang iba.

--Ads--

Samantala, ang presyo naman ng print ay nagkakahalaga ng P50 habang ang buong damit kasama ang print ay nagkakahalaga naman ng P150.

Bukod sa kulay tint green, isa pa aniya sa patok na kulay ay white na pinaka mabenta ngayon sa kanilang pwesto.

Samantala, nakipag-ugnayan din ang Bombo News team sa mga nagbebenta ng damit sa iba’t-ibang establishment at batay sa nakuhang impormasyon, patok dito ang mga tint green na kulay ng damit.