--Ads--

Pumanaw na ang beteranong aktor na si Bing Davao nitong Sabado sa edad na 65 taong gulang.

Si Bing ay kapatid ni Ricky Davao ama ni Rikki Mae na pumanaw rin noong nakaraang Mayo.


Kabilang sa mga proyekto ni Bing Davao ang Victor Magtanggol, Darna, at ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya (MMK).

Kilala siya bilang isa sa mga beteranong aktor na nagbigay-buhay sa iba’t ibang karakter sa telebisyon at pelikula.

--Ads--

Ang kanyang pagpanaw ay nagdulot ng matinding lungkot sa industriya ng showbiz, lalo na’t sumunod ito sa pagkawala ng kanyang kapatid na si Ricky Davao, na isang respetadong aktor at direktor.