Matagumpay na na-rescue ang dalawang indibidwal na na-trap sa gitna ng Ilog sa Baculud, City of Ilagan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Geralyn Gangan ng City of Ilagan, sinabi niya na sa kabila umano ng mga warning signs na nakalagay na not passable na ang Baculud overflow Bridge ay nagpumilit pa ring tumawid sa ang sasakyan dahilan upang tumirik ito sa gitna bunsod ng mataas na antas ng tubig.
Gumamit aniya ang mga awtoridad ng bangka upang marescue ang naturang mga indibidwal tsaka nila pinahila ang na-trap na sasakyan sa isang truck upang maiahon ito sa ilog.
Ilang araw nang hindi madaanan ang tulay kay hindi ito lingit sa kaalaman ng mga sangkot. Nagkaroon lang aniya ng lakas na loob na tumawid ang mga ito dahil na rin sa sila ay nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin, batay na rin umano sa kanilang mga salaysay.
Napag-alaman din na hindi umano nila pagmamay-ari ang sasakyan at tinakas lamang nila ito mula sa may-ari.
Dahil dito ay nag-nagpalipas ng gabi sa himpilan ng pulisya ang mga sangkot upang masampolan ang mga ito sa paglabag nila sa mga panuntunan.
Nilinaw naman ni Gangan na hindi nila kinasuhan ang mga ito subalit kinausap nila ang mga ito binigyan ng leksyon.








