Muntik nang masungkit ni Chelsea Fernandez ang korona ng Miss Cosmo 2025 matapos siyang magwagi bilang first runner-up sa prestihiyosong pageant na ginanap noong Sabado, Disyembre 20.
Itinanghal na Miss Cosmo 2025 si Yolina Lindquist mula sa Estados Unidos matapos ang huling debate round laban kay Fernandez. Pinalitan ni Lindquist si Ketut Permata Juliastrid ng Indonesia at tinalo ang mahigit 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.
Kasama sa Top 5 ang mga kinatawan mula sa Brazil, Panama, at Myanmar.
Bumida si Fernandez sa swimsuit competition, na kapansin-pansin ang kumpiyansa at galing sa runway.
Nakamit niya ang Best in Evening Gown at ang People’s Choice Award, patunay ng suporta mula sa mga manonood.
Sa Q&A portion, binigyang-diin niya na ang kababaihan ay likas na lider at may kakayahang magtagumpay sa anumang larangan.
Sa huling head-to-head laban kay Lindquist, ipinresenta ni Fernandez ang kanyang proyektong Paradise of the Mangroves na layong protektahan ang kalikasan at palakasin ang lokal na ekonomiya.
Target nitong magtanim ng 5,000 propagules sa isang ektarya sa Lebak, Sultan Kudarat.
Inaasahan niyang tataas ng 20–30% ang lokal na ekonomiya sa loob ng isang taon.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na kumatawan si Fernandez sa Pilipinas sa international stage. Noong 2022, lumaban siya sa Miss Globe kung saan nakapasok siya sa Top 15.
Samanatala, nakuha ng ilang kandidata ang special awards
Best Carnival: Nigeria
Impactful Beauty: Namibia
Woman Leadership: Greece
Cosmo Beauty Icon: Panama
Cosmo Tourism Ambassador: Laos
Social Ambassador: Myanmar
Best Evening Gown: Philippines (Chelsea Fernandez)





