--Ads--
Pumanaw na ang Antipolo City 2nd District Representative na si Romeo Acop, ayon sa kanyang matagal na kaibigan at National Unity Party (NUP) President, si Deputy Speaker Ronaldo Puno.
Ayon kay Puno, “Our hearts are broken. He was a friend for more than 25 years and a devoted, courageous, honest public servant.” Idinagdag niya na “The Congress and our Country are the lesser for his loss,” bilang pag-alala sa serbisyo ni Acop sa publiko at sa partido.
Si Acop ay matagal nang miyembro ng NUP at kilala sa kanyang dedikasyon at integridad bilang pampublikong lingkod.





