Ikinalungkot ng National Public Transport Coalition (NPTC) ang pagpanaw ni Antipolo Rep. Romeo Acop.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NPTC Convenor Ariel Lim, sinabi niya na labis siyang nalulungkot lalo na’t matagal niyang nakasama ang mambabatas nang siya ay nasa komite pa lamang ng transportasyon.
Aniya, si Acop ay isa sa mga magagaling na humawak sa Committee on Transportation.
Isa din, aniya, si Acop sa mga naniwalang malaki ang problema sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) dahil sa minadaling maisabatas at sa hindi mamatay-matay na isyu ng korapsyon.
Nagpabatid naman siya ng pakikiramay sa naulilang pamilya ni Acop na inilalarawan niya bilang isang “Good Man.”
Nanawagan siya na isantabi muna ang usapin ng politika at pagtuunan na lamang ng Senado at Kongreso ang kanilang trabaho.











