--Ads--

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na nasa pangangalaga na ng pamilya Cabral ang cellphone ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral.

Ayon sa NBI, igagalang nila ang pahintulot ng pamilya bago magsagawa ng anumang imbestigasyon kaugnay ng nasabing cellphone. Gayunman, kung may matuklasang ebidensyang may kaugnayan sa kaso ng flood control, maaari silang mag-aplay ng cyber warrant upang masuri ang laman nito.

Nilinaw rin ng NBI na kahit pa may pagbabago o manipulasyon sa cellphone, posible pa ring isailalim ito sa forensic examination upang matukoy ang aktwal na paggamit o anumang panghihimasok dito.

Samantala, nagsumite na rin ang NBI ng subpoena sa hotel sa Baguio kung saan huling nanuluyan si Cabral. Layunin nitong makuha ang mga video footage ilang oras bago matagpuan ang kanyang bangkay sa isang bangin sa Benguet.

--Ads--