--Ads--

Nagdulot ng saya at ngiti sa labi ng bawat residente ng Palanan, Isabela ang ginawang pamamahagi ng LGU Palanan ng Noche Buena package.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Local DRRM Officer John Bert Neri, sinabi niya na pinangunahan ng mga key officials ng LGU Palanan ang naturang pamamahagi ng Noche Buena package at lahat ng mga Palaneño ay nabigyan.

Ang Noche Buena package ay sapat para sa isang pamilya na may pito hanggang sampung miyembro at nagkakahalaga ng ₱900 hanggang ₱1,000.

Natutuwa si Ginoong Neri na kahit papaano ay nagawa nilang matapos ang repacking at maihabol ang pamamahagi ng ayuda bago ang Pasko para sa mga residente, sa kabila ng ilang pagkaantala dahil sa masamang panahon.

--Ads--

Para mapabilis ang pamamahagi ng ayuda, ibinaba na ito sa Barangay Kapitan na siya namang nag-utos ng mabilisang distribusyon sa bawat Kagawad na nakakasakop sa mga purok.

Sa iba namang hindi pa nakapag-claim, maaari lamang itong puntahan sa kanilang Barangay.