--Ads--

Hinangaan ang walong taong gulang na si Victoria Isaac matapos kilalanin ng Guinness World Records bilang pinakabatang babaeng music producer sa edad na 8 taon at 160 araw, kasabay ng paglabas ng kanyang debut album na Musically Fantastic.

Lumabas ang kanyang talento sa musika noong tatlong taong gulang pa lamang, nang kaya niyang patugtugin ang nursery rhymes gamit ang isang smartphone app sa pamamagitan lamang ng pakikinig. Bilang homeschooled, tinuruan niya ang sarili na tumugtog ng violin, drums, piano, at gitara sa tulong ng YouTube bago kumuha ng propesyonal na mentor.

Bilang producer, siya ang utak sa likod ng kanyang mga kanta, nag-aayos ng tunog ng mga instrumento, nagmi-mix gamit ang software, at bumubuo ng final track, na inihahalintulad niya sa pagguhit gamit ang mga tunog.

Ang kanyang pangunahing awitin na Flying Drone Dance ay nagpapakita ng kanyang Skate-Dance Music style, hango sa idolo niyang si Lindsey Stirling, na tumutugtog ng violin habang naka-roller skates. Pangarap ni Victoria na makapag-uwi ng Grammy Award sa hinaharap.

--Ads--