Mapayapa ang naging pagdiriwang ng Pasko sa buong bayan ng Tumauini, Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Melchor Aggabao Jr., Hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na mayroon silang Police sa Barangay na naatasang magbantay sa bawat barangay.
Maliban pa rito, may mga patrollers din na nakatalaga sa mga designated outpost. May kanya-kanyang area o coverage ang kanilang hanay upang matiyak na mabantayan at mapanatili ang kaayusan sa buong bayan.
Sa kasagsagan ng Misa de Gallo, tinutukan nila ang poblacion area dahil sa dagsa ng mga tao sa simbahan, Paskuhan Village, at palengke upang maisaayos ang daloy ng trapiko.
Maliban sa isang insidente ng reckless imprudence na ikinasawi ng isang motorcycle rider, wala namang seryosong insidente na naitala ang PNP ngayong Pasko.
Paalala ng PNP ngayong Yuletide season huwag magmaneho nang nakainom ng alak upang makaiwas sa hindi inaasahang pangyayari.
Ang pagpapaputok ng mga firecracker ay may designated area batay sa umiiral na ordinansa ng bayan, gayundin ang pagtatalaga ng firecracker selling zone.
May babala rin siya sa mga rider na nagpapalit ng tambutso para mag-ingay sa Bagong Taon. Hindi ito lisensya ng pagdiriwang, lalo’t may umiiral na ordinansa kaugnay dito.











