--Ads--

Iniuugnay ang pangalan ni First Lady Araneta Marcos sa infrastructure project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lalawigan ng Isabela matapos umanong mag-request ng ₱100 million ang Unang Ginang sa 2025 National Expenditure Program (NEP).

Ito ay kabilang sa ‘DPHW Leaks’ kung saan nakalahad ang mga umano’y request na ipinasok sa paggawa ng NEP.

Ayon sa ulat, ang ₱100 million ay naka-care of sa pangalan ni FL Liza at kasama rito ang request letter mula kay dating Isabela 6th District representative Faustino ‘Inno’ Dy na ngayon ay Alkalde ng Echague, Isabela.

Ilan sa mga proyekto na kabilang sa pondo ay ang alternate route sa northeastern portion ng Cauayan City, Isabela.

--Ads--

Batay sa budget trail, ang budget request ay umabot hanggang sa 2025 General Appropriations Act (GAA) subalit nabigo ito sa bidding na isinagawa noong September 2025.

Ang proyektong nauugnay sa Unang Ginang sa leaked documents ng DPWH ay nakalista bilang line item at hindi budget insertion — ibig sabihin, ang naturang proyekto ay kabilang sa mga proposals na napag-usapan sa House and Senate budget hearings.