Nilansag ng Kalinga Police Provincial Office at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang 78,000 ng fully grown marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱16.8 milyon sa magkakasunod na anti-drug operations sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Oplan Green Gold 3 sa ilang liblib na barangay na matagal nang natukoy bilang mga lugar na pinagtataniman ng marijuana.
Kabilang ang mga Barangay ng Butbut Proper kung saan nasamsam at sinunog ang 16,000 tanim na nagkakahalaga ng ₱3.2 milyon.
Sa Barangay Loccong, tinanggal ang 29,500 tanim na nagkakahalaga ng ₱5.9 milyon.
Sa Barangay Buscalan, nadiskubre ang 14,500 tanim na nagkakahalaga ng ₱4.1 milyon.
Sa Barangay Tulgao East, winasak ang tinatayang 18,000 tanim na nagkakahalaga ng ₱3.6 milyon.
Ayon sa mga awtoridad, lahat ng binunot na marijuana ay sinunog sa mismong lugar matapos ang wastong dokumentasyon. Ang ilang sample ay ipinadala rin para sa kaukulang pagsusuri.











