Kinaaaliwan ngayon sa social media ang isang baka na nanghabol ng mga sakristan na may dalang imahen ng batang Hesus.
Sa Facebook post ni Rufels Christian Fajardo Catubay, ibinahagi niya ang video ng nakakaaliw na panghahabol ng baka habang nagsasagawa ng “Pax Tecum”.
Ang “Pax Tecum”, na ang ibig sabihin ay “peace be with you”, ay isang tradisyon tuwing araw ng Pasko.
Dito, iniikot sa kabahayan ang imahen ng batang Hesus bilang paalala na nais din niyang manahan sa mga tahanan at pang-araw-araw na buhay ng mga tao.
Mapapanood sa video na dadaan lang sana ang mga sakristan ng Our Lady of Consolation Parish sa Bato, Samboan, Cebu nang biglang habulin sila ng nakataling baka, walang ibang nagawa ang mga sakristan kundi magsitakbuhan na lang, dahilan para maaliw at matawa ang mga netizen.





