--Ads--

Ikinasal na ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang non-showbiz fiancé na si Dr. Reginald Santos sa isang intimate ceremony na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan.

Bago ang kasal, nagdaos si Carla ng bridal shower sa isang dermatology clinic sa Parañaque.

Kamakailan lamang ay kinumpirma niya ang kanyang engagement matapos ibahagi ang larawan ng kanyang kamay na may suot na singsing, na nagdulot ng tuwa sa kanyang mga tagahanga.

Noong Oktubre, hinarap ni Carla ang mga tsismis tungkol sa kanyang pagpapakasal at iginiit na nais niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.

--Ads--